Japan humingi ng paumanhin sa pagkakamaling mapababa ang 23 katao na hindi pa tapos i-quarantine sa cruise ship

Japan humingi ng paumanhin sa pagkakamaling mapababa ang 23 katao na hindi pa tapos i-quarantine sa cruise ship

by Powered by DWIZ
44 views

Humihingi ng paumanhin ang bansang Japan matapos na mapababa ang 23 pasahero ng MV Diamond Princess cruise ship nang hindi pa natatapos lahat ng kinakailangang pagsusuri.

Ito ay matapos na mapaulat na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang ilang pasahero ng naturang barko na una nilang napababa.

Ayon kay Japanese Health Minister Katsunobu Kato, pinagsisisihan nila ang kanilang pagkakamali at pagkukulang sa operasyon.

Sa ngayon, muling isasailalim sa 14-day quarantine ang nasa mahigit 1,000 crew na nananatiling nasa barko.

0 comment

Related Posts