Itatayong ‘special group’ itutulad sa CAFGU ng militar — Albayalde

0
59

Mahigpit namang sasalain ng pambansang pulisya ang mga magiging kasapi ng special group o death squad na nais itatag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

ito’y ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde ay bilang pantapat aniya sa liquidation squad na mas kilala bilang Special Partisan Unit (SPARU) ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Albayalde, tanging ang mga kuwalipikado lang sa nasabing grupo ay iyong mayruong lisensya ng baril at permit to carry firearms outside of residence at iyon aniya ang kanilang papayagan.

Maihahalintulad din aniya ang naturang grupo sa mga Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) kung saan, mayruon itong supervisor na isang aktibong sundalo o opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).