Israel nag-abiso sa publiko ukol sa COVID-19 outbreak

Israel nag-abiso sa publiko ukol sa COVID-19 outbreak

by Powered by DWIZ
39 views

Pinaalalahanan ng embahada ng Pilipinas sa Israel ang mga Pilipino doon hinggil sa patnubay ng ministry of health ng Israel.

Ito’y  kung saan inaabisuhan ang lahat  na ipagpaliban ang paglalakbay sa mga  bansang Thailand, Japan, Hong Kong, Singapore, Macau, South Korea, Taiwan at China dahil sa banta ng corona virus disease COVID-19 dahilan upang ipatupad ang travel ban.

Hindi na papayagan makapasok sa Israel ang lahat ng hindi residente o hindi mamamayan ng Israel na bumisita  sa South Korea o Japan sa nakaraang 14 na araw  bago dumating sa Israel.

Una nang pinagbawal na makapasok sa Israel ang mga dayuhan bumisita sa China.

0 comment

Related Posts