Isang PUI pumanaw dahil sa cardiac arrest — DOH

Isang PUI pumanaw dahil sa cardiac arrest — DOH

by Powered by DWIZ
40 views

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may isa pang person under investigation (PUI) ang pumanaw.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Maria Rosario Vergerie, ang 71 taong gulang na PUI ay mula sa Ilocos Region at pumanaw kahapon, February 13.

Iginiit rin nito, na nag negatibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang pasyente, at namatay ito sa cardiovascular attack.

Aniya, isinailalim lamang ito sa monitoring dahil sa kanyang mga sintomas na kapareho sa COVID-19.

Gayunman, lumabas naman sa resulta na negatibo ito sa naturang virus.

0 comment

Related Posts