Isang OFW sa Hong Kong nagpositibo sa COVID-19

Isang OFW sa Hong Kong nagpositibo sa COVID-19

by Powered by DWIZ
46 views

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong na isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Consulate General, nakatanggap ito ng notice mula sa Hong Kong authorities na isang Pilipina ang nagkasakit ng COVID-19 sa naturang bansa.

Agad na nagpadala ng team ang konsulada para matignan ang kondisyon ng OFW sa pagamutan.

Sinabi ng Consulate General na ibibigay ng gobyerno ang lahat ng naaayon na ayuda sa naturang OFW.

Sa huling tala, umaabot na sa mahigit 60 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong.

0 comment

Related Posts