35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Isang IED sumabog sa Masbate pier

- Advertisement -

Sumabog ang isang improvised explosive device o IED sa pier ng Masbate.

Ayon kay Masbate PNP-Provincial Director Senior Superintendent Froilan Navarozza, dalawang salarin na sakay ng banka ang namataang nag-iwan ng isang kahon sa hagdan ng pier na daungan ng mga bangka bago ito sumabog.

Wala namang napaulat na casualty sa insidente at tanging isang bangka ang nasira sa nangyaring pagsabog.

Narekober naman sa lugar ang nagkalat na PVC pipes, paper box at isang sim card.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad naturang pagsabog at tinutugis ang mga taong nasa likod nito.

—-

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -