Isang empleyado ni Revilla nasawi dahil sa COVID-19

Isang empleyado ni Revilla nasawi dahil sa COVID-19

by Powered by DWIZ
35 views

Malungkot na inanunsyo ni Senator Bong Revilla Jr. na isa sa kanyang staff ang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), kahapon Marso 29.

Ayon sa Senador, nakasama niya ang kanyang staff sa halos 30 taon simula pa noong siya ay nag-aartista.

Nagpapasalamat naman ang Senador sa kanyang kaibigan na nagmahal sa kanya maging sa kanyang pamilya.

Samantala, hinihimok naman ni Revilla ang publiko na manatili sakanilang mga tahanan at pangalagaan ang kanilang mga kalusugan.

Sa ngayon pumalo na sa halos 1,500 ang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 71 naman ang naitalang nasawi.

0 comment

Related Posts