Isang bata patay sa deworming sa Surigao

Isang bata patay sa deworming sa Surigao

by Powered by DWIZ
181 views

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH), ang pagkamatay ng isang batang estudyante sa Surigao Del Norte matapos sumailalim sa deworming.

Ayon kay Health undersecretary Eric Domingo kaagad nilang ipinahinto ang pagpupurga sa mga estudyante nang makarating sa kanilang kaalaman ang nangyari sa San Isidro Elementary School.

Sa mga ulat, may pito (7) pang batang mag aaral ang na ospital matapos sumailalim sa deworming nuong July 23.

Nagsagawa na aniya ng toxicology tests sa mga biktima para matukoy kung nalason ang mga biktima o may roxic substance na pumasok sa kanilang katawan.

Sinusuri na rin aniya ang mga ginamit na gamot pampurga.

0 comment

Related Posts