30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Isang Barangay Sa Baao Tuloy Ng Linockdown Dahil Sa Patuloy Na Transmission

- Advertisement -

Iriga City — Isa ng buong barangay ng San Roque sa bayan ng Baao, Camarines Sur ang pinag-lockdown dahil sa local transmission na di matigil sa nakalipas na isang buwan.

Ito ang naging desisyon ng DOH at rekomendasyon ng IMT-incident management team matapos na magkaroon muli ng positive case sa nabanggit na lugar.

Buong buwang ng Agosto ay isa lamang sona ang pinag-lockdown, subalit sa pinaka-huling report ng DOH-CHD Bicol nagkaroon muli ng kaso sa San Roque, kung kaya minabuti ng IMT na isailalim na ang buong barangay sa lockdown.

Sa ngayon walo pa ang active cases ng Covid 19 sa Baao mula sa mahigit 40 ng nagpositibo sa nabanggit na sakit. (OIC Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: DOH Bicol)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -