31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Isa pang sama ng panahon nagbabadyang pumasok sa bansa

- Advertisement -

Isa na namang Low Pressure Area o LPA ang nagbabadyang maging bagyo at pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR sa Huwebes.

Kung sakaling maging ganap na sama ng panahon, tatawagin itong tropical derpression “Inday”.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 540 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Inaasahang ganap na magiging bagyo ang LPA sa loob ng 36 na oras.

Samantala, dahil sa habagat na pinalakas pa ng bagyong Henry, nasa ilalim ng orange rainfall alert o nakakaranas ng matinding pag-ulan ang Metro Manila, Cavite, Bataan at Zambales.

Habang nasa yellow rainfall warning naman o nakakaranas ng malakas na ulan ang Laguna, Batangas, Rizal, Bulacan.


#WalangPasok

Dahil sa patuloy na pag-ulan bunsod ng monsoon rains na pinalakas pa ng bagyong Henry, nagdeklara na ng walang pasok sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampribado at pampublikong paaralan sa:

(All Levels, Public and Private)
• National Capital Region
• Zambales
• Bataan
• Laguna
• Cavite
• Bulacan
• Olongapo City
• Rizal
• OCCIDENTAL MINDORO
– Abra de Ilog
– Mamburao
• BATANGAS
– Calatagan
– Agoncillo
– Lemery
– Lian
– Balayan
– Nasugbu
– Tanauan, City
– Malvar
• PAMPANGA
– Minalin
– San Simon
– San Fernando City
– Mabalacat City
– Guagua
– Macabebe
– Apalit
– Porac
– Florida Blanca
– Masantol
– Sasmuan
– Mexico
• PANGASINAN
-Bani
-Bolinao
(Pre-school to High School)
– Lipa City, Batangas
– Tarlac
-Guiguinto, Bulacan
-Mangatarem, Pangasinan
-Bamban, Tarlac (All Levels, Public and Private)

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -