Iriga: Shearline, easterlies magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

0
5
photo courtesy of Albay PIO

Patuloy na magdadala ng mga pag-ulan ngayong araw ang shearline na nakakaapekto partikular sa may extreme Northern Luzon.

Bukod pa rito, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magdudulot rin ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang easterlies na kasalukuyang nakakaapekto naman sa silangang bahagi ng Luzon, at Visayas.

Base sa pinakahuling monitoring ng ahensya, makakaranas pa rin ng kalat-kalat kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang mga lugar sa hilagang Luzon partikular ang Batanes, Cagayan, Isabella, Aurora, at Quezon, lalo na sa hapon at sa gabi.

Samantala, makakaranas naman ng maaliwalas na panahon ang nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao ngunit hindi inaalis ang posibilidad ng biglaang buhos ng ulan dahil sa isolated rain showers at thunderstorms.

Ayon sa ahensya, sa kasalukuyan ay wala namang namo-monitor na anumang sama ng panahon sa loob, at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply