Iriga: PCG Bicol naka heightened alert na kaugnay sa Semana Santa

0
6
(Photo courtesy of PCG Bicol)

Ilang araw bago ang Semana Santa, naka heighented alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) Bicol bilang parte ng pagbibigay seguridad sa mga byahero.

Sinabi ni PCG Bicol Commodore Philipps Y. Soria, aabot sa 1,000 na mga tauhan ng komandansya sa Bicol ang kanilang ilalatag sa mga pantalan sa rehiyon.

Dagdag pa ng opisyal, maglalatag din sila ng mga tauhan sa mga terminals at kalsada na katuwang sa law enforcement unit.

Layunin ng komandansya na magbigay-gabay sa mga byahero at pasahero upang masiguro na walang kontrabando ang maibabyahe sa iba’t-ibang parte ng rehiyon.

Upang hindi maabala ang byahe, panawagan ni Soria na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na kagamitan. (Emman Lumapag)

Leave a Reply