(Legazpi City, September 18, 2026) Pormal nang itinurn-over ng Pamahalaang Lokal ng Albay, sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office – Albay Public Safety and Emergency Management Office (PDRRMO-APSEMO), ang 15 na misting machines sa mga Disaster Risk Reduction and Management Offices ng lalawigan.
Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang WASH Orientation and Distribution of Mosquito Prevention Equipment sa Emergency Operations Center ng lalawigan na nilahukan ng 15 DRRM Officers ngayong araw, ika-18 ng Setyembre.
Bukod sa mga misting machines, nakatanggap rin ng tig-15 na bote ng insecticides o reagents ang bawat LGU.
Kasabay ng naturang turnover, nagsagawa rin ng Water, Sanitation, and Hygiene (WASH) Orientation ang APSEMO para turuan ang mga pest control technicians/machine operators kung paano gamitin ang mga misting machines na kanilang natanggap.
Ayon sa Provincial Incident Management Team (IMT), ang nasabing hakbang ay bahagi ng patuloy na augmentation support ng lalawigan sa mga LGUs sa gitna ng pagtaas ng kaso ng nagkakaroon ng dengue sa nakalipas na linggo o morbidity week kung saan nakapagtala ng 2,179 na cumulative cases mula Enero hanggang Setyembre 12.
Source: Albay PIO
