Nang dahil sa mahusay na pamumuno ni Mayor Madel, nakamit ngayong taon ng Iriga City ang All Green Scorecard mula sa National Resilience Council. Tanging ang Iriga City at ang probinsya ng Bataan lamang ang nakakuha ng mataas na marka sa labintatlong miyembro.
Sa ginawang Colloquium 2022 ng NRC na ginanap sa the Peninsula Manila, inilatag ni Mayor Madel ang roadmap at mga inisyatiba tungo sa katatagan ng lokal na pamahalaan at ng lungsod.

Kinilala ng National Resilience Council si Mayor Madel bilang Resilience Champion dahil sa kanyang pamumuno at hindi natitinag na dedikasyon upang makamit ang resilience at sustainability sa Iriga City. Naniniwala ang NRC sa kanyang paninindigan at aktibong pakikipag-ugnayan sa Resilient LGU Program na siyang nagsisilbing inspirasyon sa lahat.
(Source: Iriga City Official)
