Iriga: Magayon Cooking Showdown aarangkada sa Mayo 23

    0
    3

    Kasado na sa ika-23 ng Mayo, ganap na alas-4:00 ng hapon ang Magayon Cooking Showdown: Inter-School Culinary Championship sa Activity Center ng Ayala Malls Legazpi.

    Ayon sa anunsiyo ng Provincial Tourism, Culture, and Arts Office (PTCAO), bukas ang patimpalak para sa mga culinary students mula sa Albay at karatig-lalawigan sa Bicol na bubuo ng grupong may tigta-tatlong miyembro.

    Ang mga mananalo sa kompetisyon ay makakatanggap ng Php 50,000 na kabuuang premyo, kung saan igagawad ang Php 20,000 sa Champion, Php 15,000 sa 1st Runner Up, at Php 10,000 sa 2nd Runner Up.

    Makakatanggap din ng Php 3,000 consolation prize ang mga kalahok na hindi makakapasok sa Top 3.

    Maaaring makipag-ugnayan ang mga interesadong paaralan sa numerong 09955477891 para sa registration at karagdagang detalye.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply