Iriga: Bagong Pilipinas Serbisyo Fair inilunsad sa Camarines Sur

0
16

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kalulunsad na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa bayan ng Nabua ngayong araw.

Layunin ng aktibidad na ito ang maghatid ng samu’t saring tulong, pasilidad, serbisyo at programa mula sa 40 ahensya at institusyon ng gobyerno.

Nilibot din ng Pangulo ang Kadiwa ng Pangulo stalls sa CSPC Ground kung saan iba’t ibang produktong pang-agrikultura ang itinitinda mula sa mga magsasaka sa Camarines Sur.

Lubos ang pasasalamat ng mga Camarinenses sa pagbisita ng Pangulo sa lalawigan.

(Source: PIA Camarines Sur)

Leave a Reply