Iriga: 20 pesos per kilo na presyo ng bigas, imposible ayon sa ekonomistang si Albay 2nd district Rep. Joey Salceda

0
406

Isa sa ipinangako ni Presidential frontrunner Bongbong Marcos habang basa kampanya ay ang pagbaba ng presyo ng bigas sa halagang 20 pesos kada kilo.

Visit RPN DZKI Iriga

Pero sabi ng ekonomistang si Albay 2nd District Congressman Joey Salceda, imposible na mapababa sa 20 pesos kada kilo ang presyo ng bigas. Posible lamang raw ito, halimbawa na lang kung walang buwis.

Para mo na rin raw na pinatay ang nasa 3.4 million na rice farmers sa bansa kung gagawing 20 pesos ang kilo ng bigas.

“Imposible, hindi, hindi talaga kaya. Pwede kung walang buwis at bumili ka sa Vietnam. Patayin mo na yong lahat ng mga rice farmers ng Pilipinas mga 3.4 million rice farmers. You can bring it down to 20 but you will kill 3.4 million rice farmers, I think he(Bongbong Marcos) was misquoted.” ani Salceda. (Mitch Villanueva)

(Source: Bicol PH, photo courtesy by Gezer Villanueva)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here