(Legazpi City, August 5, 2025) Idinulog ni Albay Governor Noel E. Rosal sa national government ang karagdagang dalawang (2) patient transport vehicles na target ilagay sa mga coastal barangays.
Ito ang binahagi ng gobernador makaraan ang pagbisita ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla sa lalawigan.
Ayon kay Rosal, isang malaking karangalan ang naging pagbisita ng kalihim at ang papuring ibinigay nito tungkol sa disaster management initiatives na umano’y advantage ng lalawigan pagdating sa pagpapatatag pa ng kapasidad nito sa tulong ng pambansang pamahalaan.
“Sa ngunian nahiling ko na we are being recognized [for our good DRRM measures] by no less than DILG Sec [Remulla] dakula ini na advantage ta, lalo na sa mga tabang na itatao sa’to like for example additional equipment, madali kita makahagad,” saad nito.
Pagbibigay-diin pa ng opisyal, makatutulong ang karagdagang mga sasakyan sa layuning makapagbigay ng pantay na access sa serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar o Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).
Source: Albay PIO
