35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

International aviation gateways sa bansa palalawakin pa — DOTr

- Advertisement -

Palalawakin pa ang international aviation gateways sa bansa sa pagsasailalim ng Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) simula sa Hunyo 1.

Sa pagpupulong kagabi kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni transportation Secretary Arthur Tugade na kabilang sa papalawigin ang paliparan sa Clark, Cebu, at Davao.

Sa ngayon kasi, ang tanging pinapayagan lang para sa international landing at take-off ay ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Samantala, plano rin ni Tugade ang pagtatayo ng mga testing facilities sa mga nabanggit na paliparan katuwang ang Department of Health (DOH) at Philippine Red Cross (PRC) upang mapadali ang accreditation ng mga laboratoryo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -