32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Iniurong na paniningil ng Manila Water sa pamahalaan ikinalugod ng DOJ

- Advertisement -

Ikinalugod ng DOJ ang naging desisyon ng Manila Water na hindi na singilin ang pamahaalan sa P10.8-B kabayaran na ipinag-utos ng Singapore arbitration court.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, dahil sa naging desisyon ng naturang water concessionaire mawawala na ang tinatawag na potential liability mula sa books of account sa gobyerno.

Sa kabila nito, sinabi ni Guevarra na patuloy pa rin ang kanilang gagawing pagkilos para matanggal ang mga labag sa batas na probisyon sa concessionaire agreement.

Kahapon ay iniurong ng Manila Water at Maynilad ang naaprubahang hirit na dagdag singil sa tubig para sa susunod na taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -