Iniulat ng Baguio City Jail ang pagbaba ng bilang ng Persons Deprived of Liberty

0
2
photo courtesy of PIO-Baguio

Baguio City – Ang Baguio City Jail Male Dormitory ay nag ulat ng pagbaba ng mga decline of the persons deprived of liberty (PDLs) nakatira sa naturang pasilidad as of September 9 ngayong taon kung ihahambing ito sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi ni Jail Superintendent April Rose Wandag-Ayangwa, ang warden of the Baguio City Jail Male dormitory, na ang kasalukuyang populasyon ng pasilidad ay may 315 PDLs.

Kanyang sinabi na ang pagbaba ng bilang ng populasyon sa naturang pasilidad ay isang magandang pangitain na ang tagumpay ng isinasagawang programang pang rehabilatasyon at ang pagsasamasamang pagsisikap upang magkaroon ng daan para sa mga PDLs na muling isama sa lipunan.

Mula sa taong 2023-2024, sinabi ng opisyal ng Baguio City Jail Male Dormitory na wala pang napaulat na pagtakas, riot, pagiingay o kaharasan na ang ibig sabihin niyan ang mga PDLs kaya nilang mapanatili ang kapayapaan, pagtitiwala at ang pagrespeto sa kanilang kapwa.

Ipinaliwanag ni Ayangwa na ang pagsisikap na maibsan pagsisikip ng pasilidad ay nagawa na rin. Anya ito ay sa pagpapalaya ng 23 PDLs dahil na rin sa kanilang tinatawag na Good Conduct time allowance.

Kanya rin inaasahan ang mga ito ay magkakaroon ng pagkakataon na muling makapasok sa lipunan at magkaroon ng pagbabagong buhay. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIA- Cordillera)

Leave a Reply