Inilunsad ng Hotel and Restaurant Association of Baguio (HRAB) ang “Rice and Shine 3.0” sa SM City Baguio Mall Atrium noong Oktubre 3

0
5
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Ang tagapangasiwa ng mga hotel sa industriya ng tourismo sa lungsod ng Baguio ay naging normal na dahil sa pagdagsa ng mga bisita. Ito ang inihayag ni ginoong Anthony de Leon, ang general manager of the Baguio Country Club (BCC) at Pangulo.

Sa ngayon anya ang mga namamahala ng mga hotel ay gumagawa ng paraan upang hikayatin ang mga bisita upang kanilang isagawa ang kanilang pagbabakasyon sa gusto nilang pasyalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Gayon pa man, inamin ni de Leon na ang pagdating ng mga turista matapos ang pandemiya ay bahagyang mahusay kaysa bago magpandemiya.

Kaya ang lokal na turismo ay nanatiling matatag sa gitna ng mga hamon na sanhi ng panahon ng tag-ulan. Kanya ring sinabi na ang Baguio nanatiling isa sa pinakagusto ng mga turista na puntahan dahil sa malamig na klima nito. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply