33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

‘Inday’ lumakas pa at isa nang tropical storm

- Advertisement -

Lumakas at isa na ngayong tropical storm ang bagyong Inday habang patuloy na kumikilos pa-hilaga silangang direksyon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 840 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 80 kph.

Mabagal at halos hindi gumagalaw ang bagyo.

Ayon sa PAGASA, palalakasin pa ng bagyo ang habagat na magdadala ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Habang kalat-kalat hanggang sa minsang malakas na mga pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cavite, Batangas, Laguna, Central Luzon na magtatagal hanggang sa Biyernes.

Pinag-iingat ang mga residente sa mabababa at bulubunduking lugar laban sa posibleng landslides at flashfloods

Mapanganib din ang paglalayag sa western seaboard ng Central and Southern Luzon

Sa Sabado ng umaga inaaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.—AR 

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -