Radio Philippines Network
National News

Inauguration ng Sangley Airport gaganapin sa Pebrero 15

Nakatakdang ganapin ang inagurasyon ng Sangley Airport sa Cavite sa Sabado, Pebrero 15.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), inaasahang makatutulong sa pag-decongest ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang paliparan.

Sinabi rin ni DOTr Asst. Sec. Goddes Hope Libiran na dalawang aviation company ang nakatakda na ring gumamit ng Sangley Airport matapos ang opisyal na inauguration.

Aniya planong ilipat ng Alphaland Aviation sa Sangley Airport ang kanilang byaheng Manila patungong Balesin na isang pribadong isla.

Maliban dito, ililipat din sa Sangley Airport ang cargo operations ng CebGo na bugdet airline ng Cebu Pacific.

Related posts

77 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal — PHIVOLCS

Powered by DWIZ

Amihan bahagyang hihina, Valentine’s Day magiging mainit

Powered by DWIZ

Malawakang kilos protesta ng iba’t ibang militanteng grupo kasado na sa SONA 2019

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More