Ilang taga-media, pulitiko pasok bilang ‘high value target’ sa drug war —PDEA

Ilang taga-media, pulitiko pasok bilang ‘high value target’ sa drug war —PDEA

by Powered by DWIZ
35 views

Pasok bilang high value targets sa kampanya kontra ilegal na droga ang ilang taga-media, artista, kongresista at ilang pulitiko.

Ibinunyag ito ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino na nagsabing ilang malalaking pangalan sa tri-media industry ang nagsisilbing protektor sa high value targets.

Ilang opisyal din ng PDEA, PNP at militar ang sangkot din sa operasyon ng ilegal na droga.

Sinabi ni Aquino na nasa mahigit 12 katao ang kabilang sa listahan ng high value target na ang ilan ay local chief executives.

0 comment

Related Posts