Ilang sports organization ikinatuwa ang pagsuspinde ng Tokyo Olympics 2020

Ilang sports organization ikinatuwa ang pagsuspinde ng Tokyo Olympics 2020

by Powered by DWIZ
24 views

Ikinatuwa ng ilang sports organization ang naging desisyon ng organizers ng Tokyo 2020 Olympics na ipagpaliban na lamang ito.

Ayon kay British Olympic Association Chief Executive Andy Anson, tama lamang ang nasabing desisyon ng mga organizer lalo na at may banta ng COVID-19 sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Aniya mahalaga sa ngayon ay isipin ang kapakanan mg mga atleta.

Una rito nagkasundo na ang International Olympic Committee at si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na ipagpalibam ang olympics na magsisimula sa hulyo 24 at ilipat na lamang ito sa taong 2021.

0 comment

Related Posts