33.3 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Ilang residente sa QC magdamag na pumila para sa SAP

- Advertisement -

Inabot ng magdamag ang ilang mga residente ng lungsod ng Quezon para lamang matanggap ang ayuda sa ilalim ng social amelioration program.

Batay sa mga report, daan-daang mga residente ng Barangay Old Balara ang pumila mula alas-4 ng hapon hanggang alas-3 kaninang madaling araw para lamang matanggap ang ayuda.

Ayon sa report ng Quezon City Treasurer’s Office, nasa 4,371 benepisyaryo kasi ang nakatakda o naka-schedule na makatanggap ng ayuda ngayong araw, kaya’t dagsa ang mga tao.

Matatandaang deadline na bukas, ika-7 ng Mayo, ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng social amelioration program.

Sa ngayon, umiiral pa rin naman ang enhanced community quarantine sa Metro Manila kung saan kabilang sa mga umiiral na protocols ang social distancing at ang mahigpit na pagbabawal sa mass gathering.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -