Home Headlines Ilang opisyal ng BOC sususpendihin kaugnay ng 16-M halaga ng imported goods...

Ilang opisyal ng BOC sususpendihin kaugnay ng 16-M halaga ng imported goods na nakapasok sa Misamis Oriental

0

Sususpendihin ang ilang opisyal at empleyado ng Bureau of Customs na hinihinalang nasa likod ng 16 million pesos na halaga ng imported goods na nakapasok sa Misamis Oriental.

Tiniyak ito ni Customs Commissioner Isidro Lapeña dahil imposible aniyang makapasok sa Mindanao International Container Terminal ang kontrabando kung walang mga kawani ng ahensya na tumulong sa pagpasok nito na nanggaling pa sa Thailand at South Korea.

Sinabi pa ni Lapeña na pansamantala na ring nakabinbin ang accreditations ng hindi pa pinapangalanang consignee at broker habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ang pagkaka diskubre ng misdeclared imported goods na kinabibilangan ng asukal, sibuyas at gamit na mga damit ay nataon sa pagbisita nito sa daungan ng Northern Mindanao.

Ilang opisyal ng BOC sususpendihin kaugnay ng 16-M halaga ng imported goods na nakapasok sa Misamis Oriental was last modified: July 15th, 2018 by Judith Estrada-Larino

Exit mobile version