Ilang natatanging alumni ng PMA, binigyang pagkilala

Ilang natatanging alumni ng PMA, binigyang pagkilala

by Powered by DWIZ
31 views

Binigyang parangal ng Philippine Military Academy Alumni Association (PMAAAI) ang ilang mga natatangi nilang mga cavalier o alumni.

Sila ang nagpamalas ng natatanging husay at nagbigay ng malaking ambag sa paghubog ng bansa sa pamamagitan ng serbisyo publiko.

Ang host classes para sa taunang alumni homecoming ay ang PMA class of 1960, PMA Magiting class of 1970, PMA Marilag class of 1995, Sanghaya class of 2000, Sanlingan class of 2005, Masidlak class of 2010 at Sinaglahi class 2015.

Kabilang sa mga pinarangalan ay sina Sen. Panfilo Lacson, DICT Sec. Gregorio Honasan at dating Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop para sa public administration.

Gayundin si Defense Usec. Ariston Delos Reyes para naman sa alumni affairs, Bernardo Fabula para sa private enterprise, dating P/Mgen. Luyndon Cubos para sa staff functions at B/Gen. Nemesio Gacal ng Army’s 4th Infantry Division para naman sa command and administration.

Kinilala rin si CARAGA Police Director P/Bgen. Joselito Esquivel para sa police operations, Philippine Coast Guard Northwestern Luzon Commander Capt. Charlie Rances para sa coast guard operations, Air Force Col. Perfecto Magalong Jr para naman sa air operations at Marine Lt/Col. Rowan Rimas para sa naval operations.

Bagama’t hindi rin awardee, dumalo rin bilang panauhin sina AFP Chief of Staff Gen. Filemon Santos Jr, PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa, Army Commander Lt/Gen. Gilbert Gapay, navy flag officer in Command Radm. Giovannie Bacorodo, Air Force Commander Lt/Gen. Allen Paredes at iba pang opisyal ng AFP, PNP, BFP, BJMP at iba pang law enforcement agencies.

Naging panauhing pandangal naman para sa alumni homecoming ngayong taon si Vadm. Eduardo Santos Jr, ang pangulo ng Maritime Academy of Asia and the Pacific.

0 comment

Related Posts