29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Ilang mga kumpanya ng langis dagdag presyo ngayon sa produktong petrolyo

- Advertisement -

Nadagdagan pa ang mga kumpanya ng langis na nag-anunsyo ng taas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.

Ayon sa Phoenix Petroleum at Total Philippines, kanilang ipatutupad ang 65 sentimong dagdag presyo sa kada litro ng kanilang ibinebentang diesel, epektibo ala sais ng umaga bukas.

Habang 30 sentimo naman kada litro ang taas presyo sa kanilang gasolina.

Magpapatupad din ng kaparehong oil price increase ang kumpanyang Sea Oil sa gasolina.

Sa kabuuan, umaabot na sa 2.70 ang nabawas sa presyo ng kada litro ng diesel sa siyam na magkakasunod na linggong rollback mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 26.

1.35 sentimo naman ang nabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina mula sa anim na rollback at tatlong oil price hike habang 3.30 naman sa kada litro ng kerosene mula sa walong rollback.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -