Ilang establisyemento may mga hakbang kontra COVID-19 ngayong Valentine’s Day

Ilang establisyemento may mga hakbang kontra COVID-19 ngayong Valentine’s Day

by Powered by DWIZ
32 views

Magpapatupad ng preventive measure kontra COVID-19 ang ilang establisyemento sa inaasahang pagdagsa ng mga tao ngayong araw ng mga puso.

Gaya na lamang ng idaraos na dalawang Valentine’s concert sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa kabila ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Rosario Tala, nangangasiwa sa venue operations ng CCP magkakaroon sila ng thermal scanning upang masuri ang body temperature ng bawat papasok sa venue.

Ani tala ang sinomang rerehistro ng 38-plus body temperature ay hindi papayagang pumasok.

Maliban sa thermal scanners, naglagay din ang CCP ng mga hand sanitizers at alcohol sa lugar at may mga face mask na suot ang mga CCP staff.

Samantala gumamit naman ng mga disinfectant ang ilang restaurant managers’ para linisin ang kanilang mga gamit.

Nakahanda din ang mga alcohol sakaling humingi ang mga kustomer.

0 comment

Related Posts