Ika-walong sunod na linggong tapyas preso sa langis nakaamba

0
38

May namumuro na namang roll back sa presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-walong sunod na linggo at posibleng ipatupad ngayong weekend.

Batay sa unang tatlong araw na trading, P2 na ang ibinagsak ng presyo ng kada litro ng gasolina.

P1.93 sa kada litro ng diesel P1.42 naman ang posibleng tapyas sa kada litro ng kerosene.

Pero posible pang magbago ang halaga ng posibleng roll back depende sa pagsasara ng trading ngayong araw.

Samantala maliban sa langis, may sasalubong ding tapyas presyo sa kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.

Una nang nag-anunsyo ang kumpaniyang Easter EC Gas ng P5 kada kilo ng LPG o katumbas ng P55 kada 11 kilogram na tangke nito.

Epektibo ang magiging roll back sa presyo ng LPG ala sais ng umaga bukas, araw ng Sabado, Disyembre 1.