Nagsagawa ng pagtitipon ang iba’t-ibang grupo sa bantayog ng mga bayani.
Kaugnay ito sa paggunita ng National Heroes Day ngayong araw na ito.
Nakiisa sa programa ang grupong Bayan at peasant at fishers group na Pamalakaya.
Ayon sa Pamalakaya ang ginawa nilang pagtitipon ay layong bigyang pugay ang modern day heroes.
Kabilang sa mga binigyang pagkilala ang mga lumalaban para sa karapatang pantao at kalayaan gaya nang napaslang na si Randall Randy Echanis.