Home Headlines Iba pang alkalde sa bansa humihingi ng dagdag na security escort

Iba pang alkalde sa bansa humihingi ng dagdag na security escort

0

Humihiling ang League of Municipalities of the Philippines o LMP na payagan ang mga alkalde sa buong bansa na magkaroon ng mga karagdagang security escort.

Kasunod na rin ito ang kambal na pagpaslang kina Tanauan City Batangas Mayor Antonio Halili at General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ayon kay LMP Nueva Ecija President, Peñaranda Mayor Ferdinand Abesamis, nais nilang gawing permanente na ang pagkakaroon ng mga bodyguards o security details ng mga mayor na hindi na kinakailangan pang i-request sa PNP.

Samantala, nakatakda na sa Martes ang libing ni Mayor Bote kung saan inaasahang magbibigay na ng pahayag ang pamilya nito.

Iba pang alkalde sa bansa humihingi ng dagdag na security escort was last modified: July 7th, 2018 by Krista De Dios

Exit mobile version