Hosting ng Pilipinas para sa Sea Games handang handa na

0
61

Tuloy-tuloy ang preparasyon para sa pag-hohost ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (Sea Games).

Pangunahin na rito ang konstruksyon ng 40 ektaryang sports complex sa New Clark City sa Tarlac.

Napag-alamang buo na ang skeletal structure ng maraming pasilidad tulad ng athletic stadium, aquatic center, at nakalitaw na rin ang disensyo ng stadium na 20,000 seater.

Ayon kay Chairman Abraham Tolentino ng Phil. Olympic Committee (POC), hindi magiging dahilan ang kawalan ng pondo para maunsyami ang hosting ng Pilipinas sa Sea Games dahil marami silang sponsors.

Matatandaan na isa ang pondo ng Sea Games sa mga naiipit dahil sa kabiguan ng Kongreso na ipasa ang 2019 national budget.


Hosting ng PH sa Sea Games na nganganib — Pichay

Nanganganib na magipit ang preparasyon para sa pag-hohost ng Pilipinas sa Southeast Asian (Sea Games).

Ayon kay Cong. Prospero Pichay, miyembro ng Philippine Olympic Committee Executive Council, masyado nang malapit sa petsa ng Sea Games, kung sa Agosto pa maisasabatas ang 2019 national budget.

Sa November 30 hanggang December 11 nakatakda ang Sea Games sa bansa.

Una nang tiniyak ng POC na hindi nila hahayaang maging kahiya hiya ang bansa kung hindi matutuloy ang hosting nito sa Sea Games dahil sa kakulangan ng pondo.