28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Hostage taking sa San Juan tatalakayin ng Kamara

- Advertisement -

Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang House Committee on Labor and Employment ukol sa mga labor–related concerns ng guwardiyang nang hostage sa isang mall sa Greenhills, San Juan City.

Tatalakayin ito sa Marso 10, Martes bago ang pagdinig naman sa ABS–CBN franchise renewal bills sa nasabi ring araw.

Ayon kay House panel chairman Eric Pineda, posible may mabigat dahilan ang gwardiyang si Alchie Paray nang gawin nito ang desperadong aksyon at ito ang dapat na alamin ng komite.

Aniya, hindi humingi ng pera si Paray bagkus ay nais lamang nito na mapakinggan para mailahad niya ang korupsiyon at pag abuso ng kanyang security agency.

Una nang nasampahan ng mga kasong frustrated murder, serious illegal detention, illegal possesion of firearms and ammunition at illegal possession of explosives at incendiary device dahil sa kanyang ginawang pag-hohostage

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -