28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Hog trader sa Pangasinan idineklarang persona-non-grata

- Advertisement -

Idineklarang persona-non-grata ang isang hog trader sa Pangasinan matapos magdala ng 60 baboy na apektado ng African Swine Fever (ASF) mula sa Bulacan.

Pinagbotohan ang naturang desisyon ng Sangguniang Panlalawigan kung saan 11 ang pabor 4 ang kontrang ideklarang persona-non-grata si Roger Erpelo.

Ayon sa Pangasinan Information Office, ang ginawa ni Erpelo ay pagpapakita ng pagbalewala sa inilabas na Executive order ni Pangasinan Gov. Amado Espino III na pansamantalang nagbabawal ng pag-aangkat ng mga baboy mula sa mga lugar na apektado ng ASF.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -