36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Hirit na dagdag termino ng ilang opisyal sa bagong konstitusyon pinangangambahan

- Advertisement -

Nangangamba si Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na humirit pa ng dagdag na termino ang ilang kasalukuyang opisyal ng gobyerno sa ilalim ng bagong saligang batas sa Mayo 2022.

Ito’y makaraang mapansin ng Kongresista na hindi kasamang bibilangin ang kasalukuyan at nakaraang termino ng mga opisyal gaya ng Pangulo sa term limits na itinakda ng bagong konstitusyon sakaling maaprubahan ito.

Sinabi rin ni Colmenares na maaari rin tumakbong muli si Pangulong Rodrigo Duterte hindi lamang isang beses kundi dalawang beses pa.

Una rito, inihayag ng Malakaniyang na pagod na ang Pangulo kaya’t wala na itong balak pang palawigin ang kaniyang termino.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -