28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Hindi susunod sa PUV modernization, tatanggalan ng prangkisa — DOTR

- Advertisement -

Tatanggalan ng prangkisa ng Dept. of Transportation (DOTR) ang mga hindi tatalima sa PUV modernization program.

Ito ang ibinabala ng DOTR, kung saan sinabi ni Transportation Usec Mark De Leon na dapat tumalima ang mga jeepney drivers at operators sa deadline na itinakda ng pamahalaan na hanggang 2020 lamang.

Aniya, revocation ng prangkisa ang tiyak na kahaharapin ng operators na hindi susunod sa nasabing programa ng pamahalaan.

Layon ng PUV modernization program na i-phase out ang mga lumang jeepney at palitan ang mga ito ng euro 4 compliant vehicles na gagamitan ng renewable energy.

Matatandaang nito lamang Setyembre 30 nang magkasa ng malawakang kilos protesta ang iba’t-ibang transport groups bilang pagtutol sa naturang programa dahil sa napaka-mahal na halaga ng modern jeep.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -