28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Hindi pagsingil ng Manila Water, Maynilad sa gobyerno welcome development —DOJ

- Advertisement -

Welcome development para sa Department of Justice (DOJ) ang pasya ng Manila Water at Maynilad na huwag nang singilin ang gobyerno sa kabuuang P10.8 billion na kabayaran na ipinag-utos ng korte sa Singapore.

Ito, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ay bagamat una na ring inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magbabayad ang gobyerno.

Binigyang diin ni Guevarra na dahil sa desisyon ng water concessionaires –mawawala na ang tinatawag na potential liability mula sa books of account ng gobyerno.

Tiniyak ni Guevarra na matatanggal ang onerous provisions sa mga kontratang pinasok ng mga ito sa pamahalaan para hindi na rin maulit .

Una nang inihayag sa pagdinig ng Kongreso ang dalawang opisyal ng naturang water concessionaires na handa silang makipagtulungan sa gobyerno sa posibleng revisions sa kanilang concession agreement.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -