Higit sa 40 medalya na ang nasungkit ng Pilipinas sa 30th SEA Games

Higit sa 40 medalya na ang nasungkit ng Pilipinas sa 30th SEA Games

by Powered by DWIZ
18 views

Pumalo na sa higit 40 ang medalyang nasungkit ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Sa pinaka-huling update ngayong araw, umabot na sa 46 na medalya ang nasungkit ng Pilipinas.

Sa naturang bilang, 24 dito ang gintong medalya, 13 ang pilak na medalya at siyam dito ang tansong medalya.

Pumapangalawa naman sa pwesto ang Vietnam na mayroon nang 32 medalya kung saan 10 rito ang gintong medalya.

Nasa ikatlong pwesto naman ang Thailand na mayroon ng 20 medalya, kung saan lima rito ang ginto, apat ang pilak at 11 ang tanso.

Matatandaang, nito lamang Sabado ng pormal na buksan ang 30th SEA Games kung saan 11 bansa ang mag-tatagisan ng galing sa larangan ng pampalakasan.

0 comment

Related Posts