Higit 70% ng mga COVID-19 positive patients ng RITM naka-recover na

0
14

Pitumpu’t dalawang porsyento (72%) ng mga pasyente sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na may coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nakarekober na mula sa sakit.

Batay sa ipinalabas na pahayag ng RITM, 56 sa 78 confirmed at probable COVID-19 case sa kanilang pasilidad ang gumaling na.

Sa kabila naman nito, tiniyak ng RITM na mananatili silang nakaalerto para patuloy na makapagbigay ng serbisyo.

Una na ring inanunsyo ng RITM na fully operational na rin muli ang kanilang pasilidad matapos na maka-rekober na ang 31 sa 40 nilang mga staff na nahawaan ng COVID-19.

Balik-trabaho na rin anila ang mga nabanggit na personnel habang naghihintay naman ng resulta ng kanilang COVID-19 test ang siyam na iba.