30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Higit 250,000 estudyante mula private schools, SUCs lumipat sa public schools —DepEd

- Advertisement -

Aabot sa mahigit 250,000 estudyante  ang mula sa pribadong paaralan at mga state universities and colleges ang lumipat sa pampublikong paaralan.

Ito ay batay sa datos ng Department of Education (DepEd) ngayong enrollment para sa school year 2020-2021.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mababa ang naging kinalabasan ng enrollment sa private schools dahil marami ang naapektuhan ang kabuhayan ng krisis bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ani Briones, lubos na naapektuhan ang pribadong sektor sa pagbagsak ng ekonomiya lalo’t malaki ang tuition at may mga dagdag additional fees pa silang sinisingil.

Kung magsisimula umanong makabalik ang mga tao sa trabaho ay mas magiging kumpiyansa ang mga magulang na muling ibalik o ienroll ang kanilang anak sa mga pribadong paaralan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -