Pabor si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC) Lt. Gen. Archie Gamboa na itaas ang retirement age ng mga pulis.
Ito ang binigyang diin ni Gamboa kung saan sinabi nito na maaring gawing 58 years old hanggang 60 years old ang retirement age ng pulis imbes na 56 years old.
Aniya, ito ay bunsod ng K-12 program kung saan nadagdagan ng dalawang taon ang basic education curriculum sa high school.
Paliwanag pa nito, makatwiran lamang na baguhin ang retirement age ng mga pulis upang maging balanse ang karanasan ng mga pulis sa edad nito dahil sa pag-abante ng K- 12 program.