Radio Philippines Network
National News

Hepe ng Southern Luzon Command ng AFP pinasisibak ni Zarate

Kinasuhan at ipinasisibak ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate sa Ombudsman si Major General Antonio Parlade Jr, hepe ng Southern Luzon Command ng AFP.

Kaugnay ito sa mga dokumentadong mga pahayag ni Parlade na nag-aakusa sa Bayan Muna bilang mga rebelde at terorista.

Sa kanyang inihaing reklamo, tinukoy ni Zarate ang maituturing aniyang political activity ang ginawa ni Parlade noong 2019 elections na malinaw na ipinagbabawal sa administrative code of 1987.

Maliban dito, dahil sa red tagging sa kanila ni Parlade, inilalagay anya nito sa panganib ang buhay at kaligtasan ng mga miyembro ng bayan muna kasama na ang kanilang staff at volunteers noong eleksyon.

Nauna nang naghain ng reklamo si Zarate laban kay Parlade sa Commission on Elections.

Related posts

Paglaya ng matatandang convicts pinamamadali ni Duterte

Powered by DWIZ

90% ng mga national roads at mabuhay lanes sa Maynila nalinis na

Powered by DWIZ

Limitadong PUVs sa unang araw ng GCQ sa simula lang —DILG, DOTr

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More