Radio Philippines Network
Image default
Sports & Entertainment

Heart Evangelista inaming nahirapang tanggapin ang mga anak ni Escudero

Inamin ni Kapuso Actress Heart Evangelista na nahirapan siya noon na tanggapin ang mga anak ng asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Ayon kay Heart litong lito pa siya sa sitwasyon nila ni Chiz lalo pa’t dumating siya sa buhay ng pulitiko ng apat na taong gulang pa lamang ang kambal nitong sina Chesi at Quino.

Sinabi ni Heart na may isang pagkakataon pang isang mata lang niya ang may eyeliner habang hirap siyang ayusin ang buhok nang umiiyak na si Chesi dahil wala silang yaya at nasa Amerika sila ng mga panahong yun.

Kinukuwestyon aniya niya ang kaniyang sarili kung kakayanin ang mga ganyang sitwasyon lalo pa’t siya ang bunso sa kanilang pamilya at hind siya lumaki ng maraming bata ang kaharap o kasalamuha.

Subalit sinabi ni Heart ang pag-ibig niya kay Chiz ang namayani at lumaon ay natanggap na rin niya ang mga anak ng kaniyang asawa na itinuring na niyang mga sariling anak sina Chesi at Quino.

Inihayag pa ni Heart na malaking tulong ang pagdarasal niya para maging okay sila ng mga anak ni Chiz na nangyari at nagpapasalamat siya dahil isa na silang buong pamilya.

Related posts

Vince Carter lumagda ng 1-year contract sa Hawks

Powered by DWIZ

30th SEA Games: First 2 wins nasungkit ng Philippine Floorball Team

Powered by DWIZ

Andray Blatche endo na sa Gilas

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More