Healing Rosary for the World pangungunahan ni Tagle

Healing Rosary for the World pangungunahan ni Tagle

by Powered by DWIZ
22 views

Pangungunahan ni dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Healing Rosary for the World mamayang gabi mula sa Roma.

Sa kanyang facebook page, sinabi ng Kardinal na nagpasya ang Simbahang Katolika ng Pilipinas na gawin ang healing rosary tuwing Miyerkules ng gabi matapos na umani ng maraming suporta ang unang Healing Rosary noong linggo.

Ang pagdarasal para sa kagalingan at proteksyon ng buong mundo ay gaganapin 9:00 ng gabi mula sa Pontificio Collegio Filippino at ila-livestream sa facebook.

0 comment

Related Posts