Hatol na ‘guilty’ sa 3 pulis na pumatay kay Kian delos Santos magsilbilng wake up call sa PNP — Guevarra

0
48

Magsilbing babala sa lahat ng pulis ang naging hatol ng korte sa tatlo nilang kabaro dahil sa pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, dapat na laging isaisip ng mga pulis na pairalin ang rule of law at due process sa kanilang pinaigting na giyera kontra droga.

Kahapon, hinatulan ng reclusion perpetua ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 125 Judge Rodolfo Acuzena sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz dahil sa kasong murder.

Maliban sa pagbabayad ng P345,000 danyos sa pamilya ni Kian, hindi rin sila maaaring gawaran ng parole.

Magugunitang inaresto ang tatlon pulis na naka-assign sa Caloocan City Police Station 7 matapos ang pagpatay kay Kian sa isang madilim na eskenita sa Barangay 160 sa bagong barrio.

Kasunod niyan, sinabi ni Guevarra na patunay lamang ang hatol ng korte sa tatlong pulis na walang kultura ng pagpatay sa ilalim ng anti-drug war ng administrasyong Duterte.