29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Guerilla Front 55 Sa Ilalim Ni Marikit Hindi Na Magtatagal Ayon Kay General Mempin

- Advertisement -

Davao City –  Nagbabala ang kumander ng 1003rd Infantry Brigade (IB) nang Philippine Army Brigadier General Nolasco Mempin na hindi na magtatagal ang grupo ni Arian Jane Ochita Ramos alias Marikit ng Guerilla Front (GF) 55, Southern Regional Command ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na nag-ooperate sa lungsod ng Davao partikular sa area ng Paquibato District at karatig na probinsya.

Batay sa assessment ng kasundaluhan, hindi pa umano nakakalabas ng Davao ang grupo ni Marikit at naniniwala itong si Mempin na nasa boundary pa rin ito ng Barangay Salapawan at Pandaitan ng Paquibato area matapos ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng grupo nito at kasundaluhan sa Barangay Mapula, Paquibato District noong Nobyembre kinse.

Sa naturang sagupaan, dalawang miyembro ng NPA ang napatay at dalawa rin ang nahuli ng tropa ng 27th Infantry Battalion (IB) at 89th IB.

Umaasa ang opisyal na bago pa matapos ang taong kasalukuyan, kanila nang ma-dismantle ang GF 55 sa ilalim nang pamumuno ni alias Marikit.

“We do hope before year ends , decisively ma-engage na natin si Marikit at ma-dismantle na natin ang GF 55, considering na in terms of manpower and firearms malaki na rin yong naibawas natin sa kanila,” pahayag ni Mempin sa panayam ng media kamakailan.

Dagdag pa ni Mempin na dahil sa kanilang massive Community Support Program (CSP) ganon rin ang intervention ng mga Peoples’ Organization, at focus military operation sa Paquibato District, nagresulta umano ito sa sunod-sunod na bakbakan sa grupo ni Marikit,

Mula buwan lamang ng Setyembre nitong taong kasalukuyan hanggang Nobyembre, umabot na sa anim na sagupaan ang naganap sa Paquibato District, ayon pa kay Mempin.

Inamin ng opisyal na kahit malaki na ang naibawas na bilang ng NPA sa lugar, binabalik- balikan pa rin ito ng makakaliwang grupo dahil naging source nila ito sa kanilang logistics.

“Because ang Paquibato is very strategic to them not only because of rich resources at logistics because alam natin na naka-boundary siya sa Panabo City wherein karamihan andito yong banana growers, quarry operators, at on going yong build, build, build project, so marami silang source ng logistics including monetary,” dagdag na pahayag ni Mempin.

(Source: News Fort.ph)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -