Greg Slaughter itinanggi isyu ukol sa Barangay Ginebra

Greg Slaughter itinanggi isyu ukol sa Barangay Ginebra

by Powered by DWIZ
38 views

Itinanggi ni Greg Slaughter na napaulat na mga kondisyon niya na hindi napagbigyan ng Barangay Ginebra kaya’t nagpasya siyang magpahinga muna sa paglalaro.

Sa kaniyang twitter account sinabi ni Slaughter na wala siyang natanggap na alok mula sa Barangay Ginebra Management kaya’t wala itong dapat na hilingin sa koponan.

Wala rin aniya siyang alam na kasama siya sa trade na pinaplano ng Ginkings.

Ito ang unang pagsasalita ng seven foot restricted free agent matapos ihayag na magpapahinga siya sa basketball matapos ang kaniyang kontrata sa koponan ngayong taon.

0 comment

Related Posts